Koleksyon sa “pass-through fees” sa mga sasakyang may dalang kalakal, ipinasuspendi ni Pangulong Marcos

By Chona Yu September 29, 2023 - 08:53 AM

 

Ipinasuspendi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa local government units ang koleksyon sa “pass-through fees” sa lahat ng sasakyan na nagdadala ng paninda at kalakal.

Ito ay para mapigil ang pagtaas ng presyo ng mga paninda sa palengke.

Batay sa tatlong pahinang Executive Order No. 41 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinatitigil ang koleksyon sa mga national roads at iba pang kalsadang hindi naman ipinagawa ng LGUs.

Kasama rito sa ipinatitigil ni Pangulong Marcos ang koleksyon ng sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, mayor’s permit fees at iba pa.

Ayon sa Pangulo, hangad niyang ibaba ang gastos sa food logistics para makontrol ang epekto ng inflation rate sa bansa.

“The unauthorized imposition of pass-through fees has a significant impact on transportation and logistics costs, which are often passed on to consumers, who ultimately bear the burden of paying for the increase in prices of goods and commodities,” saad ng EO.

“Building a robust and collaborative partnership between the National Government and LGUs is essential in effectively addressing the impacts of inflation and promoting economic prosperity across all regions,” dagdag ng EO.

Kaakibat ang direktiba ni Marcos na pagbaba ng transport at logistics costs sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng kanyang administrasyon.

Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang Department of Interior and Local Government na kumalap ng kopya ng mga ordinansa ng mga LGU sa koleksyon ng pass-through fees bilang pagsunod sa executive order.

Susuriin ng DILG, kasama ang Department of Trade and Industry, Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Anti-Red Tape Authority, at Department of Finance ang mga ordinansa kung compliant ang mga ito sa Local Government Code.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., koleksyon, news, Radyo Inquirer, suspendido, Ferdinand Marcos Jr., koleksyon, news, Radyo Inquirer, suspendido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.