530 kilo ng shabu timbog sa NBI, BOC at PDEA sa Pampanga

DOJ PHOTO

Umabot sa 530 kilo ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa Mexico, Pampanga.

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na aabot sa P3.6 bilyon ang halaga ng nakumpiskang droga. Aniya kasama sa kanilang iimbestigahan ang ilang tauhan ng BOC – Port of Subic kung saan nailusot ang kilo-kilong shabu. Isinahog naman sa chicharon, tuyo at tsaa ang droga kayat hindi naamoy ng drug-sniffing dog. Ang mga pakete ng shabu ay nakasilid sa brown envelope at may mga marka na hinihinalang Thai language.

Read more...