P5.768-T 2024 national budget aprub na sa Kamara

By Jan Escosio September 28, 2023 - 01:58 PM

OHSMR PHOTO

Naaprubahan na sa ikatlo ang pinal na pagbasa sa Kamara ang  P5.786-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ang halaga ay mas mataas ng 9.5 porsiyento kumpara sa pambansang pondo ngayon taon.

Ang pag-apruba sa HB 8980 o ang General Appropriations bill ay kasunod nang pagsertipika ni Pangulong Marcos Jr., sa panukala bilang “urgent.”

Nabatid na 296 ang bumoto pabor sa panukala, samantalang may tatlo na ang naghain ng boto na “No.”

Samantala, sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pagpasa sa panukala ay patnay na iniintindi ng Kamara ang kapakanan ng sambayanan at ng bansa.

“We are confident that every centavo reflects the overarching targets to usher economic transformation towards inclusivity and sustainability and is in line with the administration’s medium-term fiscal framework, the eight-point socioeconomic agenda and the Philippine Development Plan (PDP),” ani  Romualdez.

Naniniwala din ito na ang paggasta sa bawat sentimo sa pambansang pondo ay alinsunod sa “economic agenda” ng administrasyong-Marcos Jr.

Pinasalamatan na rin ni Romualdez ang mga kapwa mambabatas, kasama na ang nasa minority bloc, sa pakikiisa sa pagbusisi sa mga programa at proyekto na pinaglaanan ng pondo.

 

TAGS: Kamara, national budget, Kamara, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.