SUV driver sa Marikina road rage incident pinagpapaliwanag ng LTO
Nagpalabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) sa driver ng sports utility vehicle (SUV) na nagkaroon ng komprontasyon sa isang siklista sa Marikina City.
Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza ang hakbang ay bahagi ng kanilang pag-iimbestiga.
Layon aniya nito na malaman kung ang may-ari ng Nissan Patrol (NFY 4437) ang lalaki sa viral video upang managot ng reckless driving, disregarding traffic sign, obstruction at improper person to operate a motor vehicle.
Pinagsusumite ang may-ari ng sasakyan ng kanyang sinumpaang-salaysay sa LTO – National Capital Region sa Oktubre 2.
Nakasaad din sa SCO na suspindido ng 90 araw ang rehistro ng naturang sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.