Poe: Mga bulok hindi nawala sa resignasyon ng OTS chief
May tunay na determinasyon na baguhin ang Office for Transportation Security (OTS) ang dapat na susunod na mamumuno sa ahensiya. Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe kasunod nang pagbibitiw ni OTS Administrator Mao Aplasca matapos malagay sa matinding kahihiyan ang ahensiya sa pagkupit at pagsubo ng isang OTS personnel ng $300 ng isang Chinese tourist sa NAIA 1. Ang pagbibitiw sa puwesto ni Aplasca ay bunsod ng babala ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin niya ang 2024 budget ng OTS kung hindi magpapatuloy pa ang una sa puwesto. Ngunit paniwala ni Poe kahit nagbitiw na si Aplasca may ilang bulok na tauhan ng OTS ang nasa puwesto pa rin. Diin ng namumuno sa Senate Committee on Public Services kailangan ay matindi ang paninindigan ng uupong bagong OTS administrator para hiindi na maulit ang mga nakakahiyang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.