PCG sa Pinoy fishermen: Mangisda lang kayo sa Scarborough!

INQUIRER PHOTO

Hinihikayat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisdang Filipino na patuloy lang na maghanap ng kanilang ikabubuhay sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Commo. Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG, intensyon ng gobyerno na hikayatin na mas marami pang Filipino ang pakinabangan ang yamang-dagat sa WPS.

Tiniyak nito na pag-iibayuhin nila ang pagpapatrulya sa naturang bahagi ng WPS na inaangkin ng China. Magugunita na base sa utos ni Pangulong Marcos Jr., pinutol at tinanggal ng PCG ang inilagay na “floating barriers” ng Chinese Coast Guard sa bukana ng Scarborough Shoal. Bunga nito, nagbanta si Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na huwag mag-umpisa ng gulo.

Read more...