Pangulong Marcos Jr., French President Macron pinag-usapan ang WPS security issues

By Chona Yu September 28, 2023 - 11:12 AM

PCO PHOTO

Tinalakay nina Pangulong  Marcos Jr. at French President Emmanuel Macron ang security issues na bumabalot sa West Philippne Sea (WPS).

Nag-usap ang dalawang lider sa pamamagitan ng telepono dahil na rin sa patuloy na  nanggugulo ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa WPS. Pagbabahagi  ni Pangulong Marcos Jr., kay Macron, ginagawa ng Pilipinas ang lahat ng paraan para mapanatili ang peace at stability sa WPS. Ayon sa Pangulo, pinagsusumikapan ng Pilipinas na manatiling bukas ang shipping lanes at airways sa West Philippine Sea. Nagpapasalamat si Pangulong Marcos sa France sa patuloy na pagsuporta sa Pilipinas sa usapin sa shared values pati na sa pagsunod sa international law lalo na sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Malaking tulong aniya ang suporta ng France lalo na nang magpadala ng French vessels at sumama sa pagpapatrulya. Kasabay nito, inimbatahan ni Pangulong Marcos Jr., si Macron na  bumisita sa Pilipinas kapag nagkaroon ng state visit sa Asya. Sa naturang pag-uusap, sinabi ni Macron na bibisita sa Pilipinas ang ilang French ministers bago matapos ang taong 2023. Ito ay para palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas at France at lagdaan ang ilang mga kasunduan.

TAGS: France, Security, state visit, WPS, France, Security, state visit, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.