Inisponsoran na ni Senator Jinggoy Estrada nag panuakalang batas na magpapalakas sa depensa ng bansa.
Sa kanyang paliwanag sa Senate Bill No. 2455, sinabi ni Estrada na hinog na hinog na ang panahon para magkaroon ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act.
Paliwanag niya, layon ng panukala na mapagtibay ang depensa ng bansa sa dahil sa mga kasalukuyan at hinaharap na banta sa sehuridad.
Dagdag pa niya, sa panukala ay magkakaroon ng national defense industry at mabibigyan ng insentibo ang mga negosynte na lalahok sa produksyon ng mga gamit pang-depensa.
Kailangan na kailangan ito aniya upang hindi palaging umaasa ang Pilipinas sa donasyon ng mga armas at iba pang gamit pang-depensa mula sa ibang bansa.
“No doubt, we have the capability to develop our own, we just have to throw our full support and lay down policies that will catalyze its growth,” ani Estrada, na namumuno sa Senate Committee on National Defense.