Trabaho Para sa Bayan Act, natupad na campaign promise ni Villanueva

By Jan Escosio September 28, 2023 - 05:25 AM

SENATE PRIB PHOTO

Nalugod ng husto si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa paglagda ng Republic Act No. 11962 o Trabaho Para sa Bayan Act. “Nagpapasalamat po tayo kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang tiwala at suporta na pangunahan natin ang pagsulong sa napakahalagang batas na ito na siyang susi sa pagtugon sa iba’t ibang hamon sa paggawa at paglikha ng trabaho sa bansa,” sabi ni Villanueva.
Naniniwala ang senador na ang naturang batas ang magiging pundasyon ng mga programa para sa paglikha ng trabaho at oportunidad para sa mga Filipino. Layon din ng batas, dagdag pa ng senador, na makapaglaan ng suporta at insentibo sa mga negosyo. Isinusulong ni Villanueva ang pagpasigla pa sa National Employment Recovery Strategy (NERS), kabilang na ang patuloy na pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang makalikha ng dekalidad na trabaho at oportunidad para sa mga Filipino. “Hindi lamang po ito katuparan ng ating pangako noong kampanya, katuparan din ng pangarap ng ating mga kababayan na magkaroon ng maayos na trabaho at disenteng pamumuhay,” dagdag nito. Sa batas, ang gobyerno ay magtatatag ng isang national employment generation at recovery master plan sa loob ng tatlo, anim at 10 taon kabilang na ang pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyo, pagpapahusay ng mga kakayahan ng mga manggagawa at insentibo sa mga negosyante. Bukod pa ang pagkakaroon ng trabaho sa mga kabataan at reintegration ng overseas Filipino workers (OFWs), at iba pa.  Samantala, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council ang tututok at susuri sa pagpapatupad ng master plan. 

TAGS: employment, Kabataan, negosyante, Villanueva, employment, Kabataan, negosyante, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.