Marcos sa PNP: Walang puwang ang korupsyon

By Chona Yu September 27, 2023 - 12:15 PM

Walang puwang ang korupsyon, pag-abuso sa kapangyarihan at iba pang uri ng katiwalian at ilegal na Gawain sa hanay ng pambansang pulisya.

Utos ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bagong heneral na nabigyan ng promosyon ata nanumpa sa Palasyo ng Malakanyang.

Sabi ni Pangulong Marcos, dapat na tiyakin na taglay ng mga pulis ang pinakamataas na pamantayan upang tularan ito ng kanilang mga tauhan.

Sa panig aniya ng pamahalaan, sinabi ng Pangulo na  hahanap ito ng mga paraan para  isulong ang modernisasyon sa pambansang pulisya tungo sa progreso at pag-unlad.

Patuloy aniyang bibigyan ng pinakabagong teknolohiya ang mga pulis at isasalang sa mga pagsasanay upang bigyan ng mas maigting na kakayahan sa pagpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong bansa.

Sabi ni Pangulong Marcos, sa ganitong paraan, maisusulong ang makatotohan at positibong pagbabago para sa mas ligtas, mas patas at makatarungang komunidad.

Utos pa ni Pangulong Marcos, gawing prioridad ang pakikipag- dayalogo sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

Ito ay para maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng taong bayan sa mga pulis.

 

 

 

TAGS: corruption, Ferdinand Marcos Jr., generals, news, PNP, Radyo Inquirer, corruption, Ferdinand Marcos Jr., generals, news, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.