66 na pamilya sa Pasig nabigyan ng karapatan sa pabahay

 

Natanggap na ng 66 na pamilya ang karapatan sa lupang tinitirikan ng kanilang bahay sa Soldier’s Village, Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Mismong sina NHA East Sector Officer-in-Charge Kristiansen Gotis at Pasig City Mayor Vico Sotto ang namahagi ng certificate.

Nabatid na nasa 10 hanggang 20 taon nang naninirahan sa Soldier’s Village ang mga nasabing pamilya, at sa pamamagitan ng paggawad na ito, opisyal nang nakapangalan sa kanila ang loteng kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Ang mga benepisyaryo ay mga lehitimong residente ng Pasig na ang mga loteng kinatatayuan ng kanilang mga tahanan ay kabilang sa Proclamation No. 458 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong ika-29 ng Agosto 1994.

Sa ilalim ng proklamasyong ito, ang mga lupang walang titulo at ang mga lupang pagmamay-ari ng pamahalaan na matatagpuan sa kahabaan ng Manggahan Floodway sa mga munisipalidad ng Cainta at Taytay sa Rizal, at Lungsod ng Pasig na may kabuuang sukat na 123.993 ektarya ay inilipat sa NHA upang magamit para sa mga socialized housing program ng bansa.

 

 

Read more...