Pagbasura ni Pangulong Marcos sa pagbawas ng buwis sa imported na bigas, ikinatuwa ng mga magsasaka
By Chona Yu September 27, 2023 - 08:47 AM
Umani ng suporta mula sa hanay ng mga magsasaka ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibasura ang panukalang bawasan ang buwis o taripa ng imported na bigas.
Ayon kay Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, tama ang desisyon ng Pangulo dahil panahon ngayon ng pag-ani ng palay.
Ayon kay So, nagbigay na ng katiyakan si Pangulong Marcos na gagamitin ang lahat ng pwersa ng pamahalaan masiguro lamang na stable ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Hangad ng grupo ng mga magsasaka na mapupunta sa mga magsasaka ang makokolektang taripa sa imported rice.
Sa panukala ng economic team ni Pangulong Marcos, babaan ang taripa sa imported rice mula 35 percent hanggang 10 percent.
Giit ni Pangulong Marcos, tanging mga rice importer lamang at hindi Filipinong magsasaka ang makikinabang sa panukala ng kanyang economic team.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.