Pinabibigyan ng prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Agriculture ang mga proyektong farm-to-market road.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Marcos, kinakailangan na matiyak na nasa tamang landas ang mga inisyatibo sa Farm-to-Market Roads National Plan.
“We’ll have to assess it in terms of need. Where do we need the roads most? For example, roads that are heavily used that are not in good condition pero andaming dumadaan na produkto ay ayusin natin,” sabi ni Pangulong Marcos.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DA officials na makipag-ugnayan sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaa para matukoy ang mga lugar na kinakailangan na ayusin ang mga kalsada para maayos ang pagdadala ng mga produktong agrikultura mula sa bukid patungo sa mga palengke.
“We have to be in coordination with other departments as to where are the areas na gusto nating pagandahin, na gusto natin we will start planting high-value crops on this area, for example, Kailangan lagyan natin ng FMR yan kasi gusto talaga nating pagandahin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ipinaayos din ng Pangulo ang mga nasirang kalsada dahil sa baha at iba pang uri ng kalamidad.
Base sa talaan ng DA, nasa 67,000 kilometro ng farm-to-market roads na ang nakumpleto.
Nasa 64,000 kilometro naman na mga farm-to-market roads pa ang under construction at kailangan ng P962 bilyon na pondo.