Nagbitiw na sa puwesto si Office of Transportation Secretary (OTS) Mao Aplasca.
Ito ay matapos manawagan si Speaker Martin Romualdez na umalis na sa puwesto si Aplasca dahil sa sunod sunod na katiwalian sa OTS kung saan ang pinakahuli ay ang paglunok ng isang personnel ng $300.
Isinumite ni Aplasca ang resignation letter kay Transportation Secretary Jaime Bautista at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Una nang sinabi ni Romualdez na haharangin niya ang pondo ng OTS kung hindi magbibitiw sa puwesto si Aplasca.
Sabi ni Aplasca, hindi niya isasakripisyo ang OTS kung kaya mas makabubuting magbitiw na lamang siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.