‘The Eras Tour’ concert film ni Taylor Swift mapapanood na sa buong mundo

 

Magandang balita para sa mga fans ni Taylor Swift.

Ito ay dahil sa magkakaroon na ng worldwide premier ang concert film ni Swift na ‘The Eras Tour’ kabilang na sa Pilipinas.

Base sa Instagram post ni Swift, sinabi nito na mapapanood na sa mga theaters o sinehan ang concert sa buong mundo sa Oktubre 13.

Mabibili ang mga ticket sa official website o sa local theaters ticketing sites.

Ang award winning na si Sam Wrench ang magsisilbing director sa ‘The Eras Tour.’

 

Read more...