Panukalang bawasan ang buwis sa imported na bigas, tablado kay Pangulong Marcos
By Chona Yu September 27, 2023 - 06:47 AM
Hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na pansamantalang ibaba ang buwis sa inaangkat na bigas.
Ito ang naging desisyon ni Pangulong Marcos kasunod ng sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kung saan iprinisinta ng National Economic Development Authority ang updates sa mungkahing rice tariff reduction.
Ayon kay Pangulong Marcos, napagdesisyunan nila ng Department of Agriculture at economic managers na hindi napapanahong bawasan ang buwis dahil ang projection sa pandaigdigang presyo ng bigas ay pababa.
Paliwanag nito, ang taripa ay ibinababa lang kapag pataas ang presyo ng produkto.
“We decided with the agriculture and economic managers that … it was not the right time to lower the tariff rates because the projection of world rice prices is that it will go down. So, this is not the right time to lower tariffs. Tariffs are generally lowered when the price is going up,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Unang inirekomenda ng NEDA ang pagbabawas sa taripa sa imported na bigas para mapababa ang presyo sa mga pamilihan.
Pero tinutulan ito ng ilang grupo ng mga magsasaka dahil pakikinabangan lang umano ng importers habang lalong babagsak ang presyo ng palay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.