Daily average rate ng COVID 19 cases sa bansa tumaas
Sa nakalipas na isang linggo, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,164 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.
Bunga nito, ang bagong average daily rate ng kaso sa bansa ay 166 na mas mataas ng 13 porsiyento kumpara sa naitala noong Setyemre 11 hanggang 17.
Sa mga bagong kaso, 10 ang malubha o kritikal ang kondisyon.
Samantala, sa 11 na nadagdag sa bilang ng mga namatay, anim ang namayapa noong Setyembre 11 hanggang 24.
Patuloy ang paalala ng kagawaran na patuloy ang ibayong pag-iingat at pagsunod sa minimum health standards sa ilalim ng Alert Level 1.
Samantala, sa mga aktibong kaso sa bansa, 260 ang malubha ang kondisyon sa mga ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.