Mindanao lady solon sinabing malaking tulong ayuda sa sari-sari store owners

INQUIRER PHOTO

Malaking tulong sa mga negosyo ng sari-sari store ang pinansyal na ayuda ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu, dahil sa aguda tiyak na makababangong muli ang mga may-ari ng sari-sari store sa epekto ng pagtaas ng presyo ng bigas. Nasa P15, 000 ang ayuda ni Pangulong Marcos para sa mga rice retailers na apektado ng price cap. Ayon pa sa mambabatas, maituturing na pabuya ni Pangulong Marcos Jr., ang ayuda sa mga  sari-sari sgore woner  sa pagtalima sa price cap. Una nang inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng pinansyal na ayuda ang mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng price cap sa katapusan ng buwan. Sa ngayon, mahigit 6,000 sari-sari store owners ang nabigyan na ng ayuda.

Read more...