Mataas na presyo ng palay ikinatuwa ng mga magsasaka

By Chona Yu September 25, 2023 - 12:38 PM

INQUIRER PHOTO

Kumpiyansa ang mga lokal na magsasaka na mas malaki na ang kikitain ngayong panahon ng anihan dahil sa pagtatakda ng presyo ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., sa pagbili ng palay.

Ayon sa mga magsasaka sa Dipolog City at Surigao del Sur, naibenta na nila ang palay ng P23 kada kilo. Unang ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., na itiakda sa P16 hanggang P19 kada kilo ang  farmgate price para sa fresh palay at P19 hanggang P23 naman para sa dry palay. Sinabi naman ni NFA acting Region 11 assistant manager Floreena Lorainaon sa mga dumalo sa 16th National Rice Technology Forum sa Digos, Daval Del Sur na malapit nang ilabas ang panibagong gabay sa hanay ng presyo ng pagbili ng palay. Sa ilalim ng Rice Tarrification Law, maaring bilhin ng NFA ang palay at bigas para masiguro ang buffer stock ng bansa. Sinabi naman ni Agriculture  Usec. Leo Sebastian, director ng Rice Industry Development na  bumaba ang rice imports sa local markets na maituturing na magandang balita para sa mga magsasaka. Dagdag ni Sebastian, layon ng pamahalaan na palakasin ang livelihood at i-stabilize ang presyo ng bigas matapos ituring na benchmark sa mga rice traders ang bagong hanay ng mga itinakdang presyo ng pagbili.

TAGS: farmgate, nfa, palay, farmgate, nfa, palay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.