“Smooth turn-over” ng “EMBO” health facilities kinalsuhan ng Makati

OSMAK FB PHOTO

Makalipas ang ilang araw na pananahimik, umugong muli ang isyu sa pagitan ng Taguig City at Makati City at ngayon ay patungkol naman sa turn-over ng mga pasilidad pangkalusugan na nasa kontrobersiyal na “EMBO” barangays.

Inakusahan pa ng Taguig City ang Makati City ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Sa pahayag ng pamahalaang-lungsod ng Taguig, sinabi na nilabag ng Makati City ang kasunduan sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan, kasama ang Department of Health (DOH).

Sa huling pahayag ng Makati City LGU, pinaninindigan na sila ang may-ari ng mga pasilidad pangkalugan gayundin an g lupa na kinatitirikan ng mga ito.

Ayon sa Taguig City, paglabag ito sa napagkasunduan na hindi na muna babanggitin ang pagmamay-ari ng mga pasilidad at lupa habang isinasagawa ang “transition period.”

“In making its ownership claim non-negotiable, when the agreement with the DOH was to temporarily shelve the issue, Makati acts in utter bad faith and with reckless disregard to the welfare of their former residents. It is sad that, having lost the votes of the residents of the 10 barangays, Makati officials feel no moral scruples in abandoning them. Indeed, if Makati was sincere, it should have already rejected the DOH’s plea that the issue of ownership should be set aside at this point of the transition. Makati took DOH and Taguig for a ride as Makati had no intention all along to negotiate unless Taguig yields first to Makati’s baseless claim of ownership ,” ayon sa Taguig.

Nilinaw din na hindi tinanggihan ni Mayor Lani Cayetano ang anumang panukala ng Makati kundi ipinaubaya na nito kay Health Sec. Ted Herbosa ang anumang diskusyon ukol sa Ospital ng Makati.

“These kinds of deceptive and manipulative behavior from public officials weaken public trust and must not be tolerated. We ask all responsible members of the media to scrutinize and dig deeper into any self-serving propaganda it receives from all parties. To be clear, Taguig has far superior legal claim to the ownership of the land and the improvements thereon. Makati has no title to the lots, and indeed has not shown the public the titles that should support its claim,” dagdag pa ng Tgauig.

Nangangamba ang Taguig na hindi layon ng Makati LGU na alisin ang mga hadlang para sa transisyon kundi magsilbing hadlang.

Naninindigan din ang Taguig na sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng Makati, prayoridad pa rin nila ang pagbibigay ng serbisyo sa “EMBO” barangays at ang pagkilos nang ayon sa batas.

 

Read more...