Alert Level 3 sa Mayon, Alert Level 1 sa Taal

By Jan Escosio September 25, 2023 - 10:53 AM

INQUIRER PHOTO

Nanatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, samantalang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) gayundin ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Mayon.

Nagpapatuloy din ang pag-agos ng lava mula sa bibig ng bulkan sa distansiyang 3.4 kilometro sa Bonga, 2.8 kilometro sa Mi-isi ar 1.1 kilometro sa Basud Gulleys.

Ang usok na ibinubuga ng bulkan ay umaabot ng 1.5 kilometro ang taas at napapadpad ito sa kanluran-hilagang kanluran at hilaga-silangan.

Samantala, ibinahagi ng Phivolcs na ang sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay umabo sa 2,730 tonelada kada araw hanggang noong nakaraang Biyernes at naobserbahan ang “vog” sa paligid ng bulkan.

Ang usok ay umaabot sa 2.4 kilometro ang taas at napapadpad sa hilaga-hilagang kanluran.

 

 

 

TAGS: Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.