Agri groups kontra sa zero o bawas taripa sa agri products
Nagpahayag na rin ng pagtutol ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at 25 iba pang grupo sa sektor sa agrikultura sa panukalang bawasan o tanggalin ang taripa sa bigas, karneng baboy manok at mais.
“Kaya sumama na ang ibang agri industries ng baboy, manok, mais, at iba pa, para makarating sa ating Presidente ang pagtutol ng buong industriya ng agrikultura sa pakanang tariff reduction ni Diokno at Balisacan,” ani SINAG chairman Rosendo So na patukoy kina Finance Sec. Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan.
Diin ni So malinaw ang utos ni Pangulong Marcos Jr., na palakasin at suportahan ang produksyon sa bansa.
Kayat sinabi ng negosyante na nararapat lamang na alisin na sa gabinete sina Diokno at Balisacan.
Katuwiran pa ni So, hindi na kailangan na bawasan o alisin ang taripa dahil nagsimula na ang anihan sa bansa.
Dagdag pa niya, malaking porsiyento ng inaangkat na bigas ay premium grade na tanging mga mayayaman lamang ang bumibili.
Batid din aniya ni Balisacan na malaki ang magiging epekto ng plano sa presyo ng palay na labis na ikalulugi ng mga lokal na magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.