Malacañang bumuwelta sa mga akusasyon sa tagong yaman ng ilang cabinet members

By Alvin Barcelona June 27, 2016 - 05:14 PM

Herminio-Coloma-1211
Inquirer file photo

Hinamon ng Malacañang ang mga kritiko na kasuhan ang mga sinasabing mga miyembro ng gabinete na may mararangyang pamumuhay.

Reaksyon ito ng palasyo sa mga panawagan na isailalim sa lifestyle check ang mga kalihim na natuklasang nakatira sa mga exclusive subdivisions, nagmamay-ari ng mga european cars, golf club shares at iba pang mamahaling kagamitan.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, lahat ng opisyal ng gobyerno ay pinagdedeklara ng taunang  Statement of Assets, Liabilities and Networth umpisa ng kanilang panunungkulan at taon-taon habang nasa posisyon.

Sinabi ni Coloma na ang katulad na alegasyon ay dapat may katapat na matibay na ebidensya at kung kailangan ay isampa sa tamang forum.

Nauna nang sinabi ng ilang mga kritiko ni Aquino na marami sa kanyang mga miyembro ng gabinete ang hindi nagdeklara ng mga makatotohanang SALN sa mga nakalipas na taon.

TAGS: Aquino, cabinet members, Coloma, Malakanyang, Aquino, cabinet members, Coloma, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.