Casino crimes hiniling ni Sen. Raffy Tulfo na masilip ng Senado

By Jan Escosio September 22, 2023 - 12:47 PM
Nais ni Senator  Raffy Tulfo na makapagsagawa sa Senate ng “inquiry in aid of legislation” kaugnay sa mga dumadaming krimen sa mga casino. Partikular na nais ni Tulfo na maamyendahan ang mga batas na gumagabay sa operasyon ng mga casino sa bansa. Sa kanyang Senate Resolution 799, sinabi ng senador na nakaalarma ang pagdami ng criminal activities na naglalagay sa kapahamakan ng mga tumatangkilik sa mga casino. Paliwanag nito na sa mga nakalipas na taon, nagkaroon ng kontribusyon ang casino gaming industry sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at kita mula sa turismo. Bukod dito, dapat din aniya  maging malawak ang promosyon ng responsible gambling at regular na pagrerebisa sa mga batas at regulasyon na may kinalaman sa operasyon at pamamahala ng mga casino. Nakasaad  din sa resolusyon ang pangangailangan na pag-aralan ang epekto ng paglalaro sa casino sa finances, mental health, social relations at overall well-being ng isang tao.

TAGS: Casino, crimes, news, Radyo Inquirer, raffy tulfo, Casino, crimes, news, Radyo Inquirer, raffy tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.