Klase sa buong NCR suspendido dahil sa volcanic smog
Suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng klase sa buong Metro Manila ngayong araw, Setyembre 22.
Ito ay dahil sa smog formation dulot ng volcanic smog ng Bulkang Taal at fog dulot ng pag-ulan.
Ayon sa Metro Manila Development Authority, suspendido ang klase base na rin sa anunsyo ng 17 mayors sa National Capital Region.
Ilang lugar sa Metro Manila ang nakaranas ng mababang visibility dulot ng volcanic smog.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal at nakapagtala ng limang volcanic tremors.
Pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask upang maiwasan ang masamang epekto ng volcanic smog sa kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.