Dagdag pondo sa DOST para sa coral research – Tolentino
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Bukas sng Senado sa pagbibigay ng karagdagang pondo ang Department of Science and Technology (DOST) para sa pagsasagawa ng pag-aaral sa pagkasira ng mga bahura sa ating karagatan.
Sinabi ito ni Sen. Francis Tolentino sa deliberasyon ng 2024 budget ng kagawaran.
Kamakailan nabunyag ang pagkasira ng mga coral sa Rozul Reef at sa Escoda Shoal na sinasabing kagagawan ng mga Chinese maritime militia vessels.
Sa budget hearing, naitanong ni Tolentino kung may tanggapan sa DOST ang makapagsasagawa ng pagaaral sa pagkasira ng mga coral reefs, coral discoloration, proteksyon ng maritime environment at rehabilitasyon ng mga nadurog coral.
Ikinababahala ng senador kung paano maisasaayos muli ang mga koral na napakahalaga para sa mga isda at iba pang marine life.
Binanggit pa ng senador ang hiwalay na pag-aaral ng UP Marine Science Institute.
Kung magagawa aniya ang kanyang mga nabanggit ay handang handa ang Senado na suportahan at dagdag ang kanilang pondo para sa nasabing scientific study.
Sinabi naman ni Science and Technology Sec. Renato Solidum Jr., mayroon na silang ginagawang pagaaral na tinatawag nilang coral reforestation.