Dagdag pondo sa DOST para sa coral research – Tolentino

By Jan Escosio September 22, 2023 - 12:30 PM
Bukas sng Senado sa pagbibigay ng karagdagang pondo ang Department of Science and Technology (DOST) para sa  pagsasagawa ng pag-aaral sa pagkasira ng mga bahura sa ating karagatan. Sinabi ito ni  Sen. Francis Tolentino sa deliberasyon ng 2024 budget ng kagawaran. Kamakailan nabunyag ang pagkasira ng mga coral sa  Rozul Reef at sa Escoda Shoal na sinasabing kagagawan ng mga Chinese maritime militia vessels. Sa budget hearing, naitanong ni Tolentino kung may tanggapan sa DOST ang makapagsasagawa ng pagaaral sa pagkasira ng mga coral reefs, coral discoloration, proteksyon ng maritime environment at rehabilitasyon ng mga nadurog coral. Ikinababahala ng senador kung paano maisasaayos muli ang mga koral na napakahalaga para sa mga isda at iba pang marine life. Binanggit  pa ng senador ang hiwalay na pag-aaral ng UP Marine Science Institute. Kung magagawa aniya ang kanyang mga nabanggit ay handang handa ang Senado na suportahan at dagdag ang kanilang pondo para sa nasabing scientific study.  Sinabi naman ni Science and Technology  Sec. Renato Solidum Jr., mayroon na silang ginagawang pagaaral na tinatawag nilang coral reforestation.

TAGS: chinese, DOST, Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer, chinese, DOST, Francis Tolentino, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.