Pagbabayad sa BIR, hindi requirement sa BSKE candidates
By Jan Escosio September 22, 2023 - 09:00 AM
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi kailangan magbayad ng registration fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng kandidato sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Sa inilabas na pahayag ng komisyon, may desisyon na ang Korte Suprema na hindi dapat maging kuwalipikasyon ng isang kandidato ang kanyang estado sa buhay.
Kayat ayon sa Comelec hindi kailangan na magbayad ng anuman o magparehistro ng kandidato sa BIR.
Kapag ginawa ito, dagdag pa ng Comelec, mistulang nagpatupad na rin ng financial requirement sa mga kandidato.
Bunga nito, hindi isyu sa kandidatura ang hindi pagiging rehistrado ng kandidato sa BIR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.