Bebot, 2 pa timbog sa PDEA drug bust sa Taguig City

(PDEA) Naaresto ang tatlong katao sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City. Nakilala ang mga suspek na sina Alexander Miguel Flores, 23,ng F Manalo St.,Taguig City; Jayson Legaspi Torrevillia, 35, ng Cainta, Rizal; at Maricar Gunayan Marcelino, 39, ng Mandaluyong City.  Nakumpiska sa kanila ang may 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.  Nakalagay ang droga sa plastic ng yelo.  May impormasyon na ang distribusyon ng mga droga ng tatlong suspek ay sa Central Luzon.

Read more...