Pasok sa Executive branch sa Setyembre 25, suspendido

By Chona Yu September 22, 2023 - 08:42 AM

 

Sinuspendi ng Palasyo ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan na nasa ilalim ng ehekutibo sa Setyembre 25 ng 3:00 ng hapon.

Ito ay para sa paggunita ng Family Week.

Base sa Memorandum Circular 32 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, bibigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na magkaroon ng quality time at maipagdiwang ang Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Hindi naman saklaw ng circular ang mga tanggapan na may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, prepareddness/response to disasters and calamities at iba pang may kinalaman sa vital services.

Ibinase ang circular sa Proclamation No. 60 (s. 1991) na nagdedeklara sa huling linggo ng Setyembre kada taon bilang Family Week.

“Pursuant to Proclamation No. 60 (s.1992), which declared the last week of September of every year as Family Week, and in order to affordgovernment workers and their families time to celebrate, in their respective homes, the Kainang Pamilya Mahalaga Day pursuant to Proclmation No. 326 (s. 2012), work in government offices in the Executive branch shall be suspended from 3:00 in the afternoon onwards on Monday, 25 September 2023.

Hinimok din ng Palasyo ang mga manggagawa sa gobyerno na suportahan ang naturang aktibidad.

TAGS: Family Day, news, Radyo Inquirer, work suspension, Family Day, news, Radyo Inquirer, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.