Ilang LGUs sa MM, Calabarzon nagsuspindi ng mga klase ngayon dahil sa Taal smog
Minabuti ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Cavite, Batangas at Laguna na magsuspindi ng mga klase ngayon araw dahil sa “smog” o “vog” na nagmumula sa Taal Volcano.
Kapag nalanghap nakakakapagdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory system ang smog.
Amg mga nagsuspindi ng klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ay ang mga sumusunod:
Metro Manila
- Las Piñas City
- Muntinlupa City
- Parañaque City
- Pasay City
Batangas
- Balayan
- Balete
- Calaca
- Calatagan
- Lemery
- Lian
- Nasugbu
- Taal
- Tuy
Cavite
- Alfonso
- Amadeo
- Bacoor City
- Cavite City
- City of Carmona
- Dasmariñas City
- Gen. Emilio Aguinaldo (Bailen)
- Gen. Mariano Alvarez
- Gen. Trias City
- Imus City
- Indang
- Kawit
- Magallanes
- Maragondon
- Mendez
- Naic
- Noveleta
- Rosario
- Silang
- Tagaytay City
- Tanza
- Ternate
- Trece Martires City
Laguna
San Pedro City
Kahapon naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa smog sa Taal Volcano alas-12:30 ng hapon.
Unang linggo ng Setyembre nang unang maobserbahan ang smog at ang daily average na ibinubuga ay 3,402 tonelada bunga nang pagbuga ng usok ng bulkan.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.