Mga suspek sa Midsayap Cotabato bombing nahuli na

By Den Macaranas June 27, 2016 - 03:56 PM

Midsayap CotabatoNadakip ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang itinuturong mga suspek sa pagpapasabog sa Brgy. Northern Kabuntalan Midsayap, Cotabato.

Kinilala ni Midsayap Police Station Chief Supt. Tom Tuzon ang mga suspek na sina Bobby Ampatuan, 51-year-old na residente rin  sa nasabing lugar at isang 17-anyos na hindi na pinangalanan pa.

Sila ang itinurong nasa likod sa naganap na pagsabog na nagresulta sa pagkasugat ng ilang katao sa lugar.

Ang mga suspek ay nahuli sa isang checkpoint kung saan ay nabawi sa kanila ang isang Cal.45 na baril at isang granada.

Sinabi naman ng mga Baranggay officials sa Norther Kabantalan na binugbog ng mga pulis at sundalo ang mga supek kaya sila napilitang umamin sa krimen.

Idinagdag pa ng mga Baranggay officials na hihingi sila ng tulong sa Commission on Human Rights para papanagutin ang mga nasa likod ng pananakit sa mga suspek.

TAGS: AFP, CHR, Cotabato, Midsayap, PNP, AFP, CHR, Cotabato, Midsayap, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.