Paglusot ng 2024 national budget bill sa Kamara next week ginarantiyahan ni Romualdez

OHSMR PHOTO

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpasa sa Kamara sa susunod na linggo ng P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB) o ang proposed national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Romualdez ito ay bunga nang pagsertipika ni Pangulong Marcos Jr., bilang “urgent” ng panukala.

Nagpahiwatig ang opisyal na maaring sa darating na Miyerkules, Setyembre 27, papasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang sponsorships sa pondo ng ibat-ibang ahensiya sa Kamara.

“We appreciate President Marcos’ leadership and his prioritization of the national budget. His decision to certify this crucial legislation as urgent reflects his unwavering commitment to the welfare and progress of our nation,” ani Romualdez.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang mga kapwa mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ipinapakitang dedikasyon para maipasa agad ang panukala para sa pambansang pondo sa susunod na taon.

“Our esteemed colleagues in the House have been diligently reviewing and fine-tuning the 2024 national budget to ensure that it addresses the pressing needs of our country and its people,” dagdag pa nito.

Read more...