Poe nagngitngit sa pagsubo ng $300 ng airport security officer
“Nakakagalit at nakakahiya ang pangyayaring ito. Parang hindi nauubusan ng gimik ang mga kawatan sa airport.”
Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe kaugnay sa insidente nang pagsubo ng $300 ng isang babaeng tauhan ng Office for Transport Security (OTS).
Ang pera diumano ay kinuha sa mga gamit ng isang turistang Chinese.
Aniya makakabuti na rin kung malalaman ang buong katotohanan at hindi ibabase ang lahat sa CCTV footages.
Hiniling din ni Poe na makilatis ng husto ang mga nais maging airport security personnel at interbyuhin mula ang mga nasa serbisyo na para madetermina ang kanilang kuwalipikasyon at kakayahan.
“The airport leadership should immediately investigate, file cases and fire employees found involved in criminal activities. Those who violate the law must be punished at once,” sabi pa ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.