PDP-Laban itinanggi na bawal ang ilang LP solons sa koalisyon

Alvarez-0518 (1)
Inquirer file photo

Mariing pinabulaan ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez ang ulat na may tatlong Liberal Party Congressmen ang ‘banned’ na sumapi sa majority coalition sa Kamara.

Sinabi ni Alvarez na walang katotohanan ang kumalat na balitang hindi tatanggapin ng tinatawag ding ‘coalition for change’ sina Batanes Rep. Henedina Abad, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Caloocan City Rep. Edgar Erice.

Batay sa naunang ulat, banned ang tatlong Mambabatas sa pakikipag-alyado sa PDP-Laban ni President-elect Rodrigo Duterte.

Mismong si Duterte raw ang nag-utos kay Alvarez na i-ban na maging bahagi ng ‘super majority’ ang ilang LP members dahil sa mga interes na gustong pangalagaan ng partido at para makalusot sa mga asunto na ginawa sa ilalim ng Aquino administration.

Matatandaan na si Erice na naging attack dog ni dating DILG Secretary Mar Roxas; habang si Romualdo ay gumawa raw ng paraan para sirain ang kampanya noon ni Duterte sa Camiguin; at si Abad ay asawa ni Budget Secretary Butch Abad, na nahaharap naman sa iligal na paggamit ng pork barrel at Disbursement Accelaration Program (DAP).

Importante rin daw ngayon sa PDP-Laban ang ‘loyalty’ sa Kongreso, lalo’t may magtatangka na maghain ng impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte.

Base naman kay outgoing Speaker Feliciano Belmonte, hindi siya papayag na mapababa ng dalawampu ang bilang ng LP sa Kamara.

Ito’y makaraang maglatag umano ng panuntunan si Alvarez na ang mga taga-LP na sasapi sa super majority ay kailangang pormal na lumipat sa PDP-Laban, na tinututulan naman ni Belmonte.

Read more...