Hanggang tatlong taon na POGO phase-out pinaboran ni Ejercito

SENATE PRIB PHOTO

Pabor si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito sa dalawa hanggang tatlong taon na phase out ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ito ni Ejercito matapos magsumite na ng final committee report ang Commitee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, ukol sa operasyon ng POGOs sa bansa.

Katuwiran ng senador sa kanyang posisyon, nais lamang niyang maiwasan ang posibilidad na magkaroon ng masamang pagtingin  sa lehislatura dahil sa pagsasabatas para sa legalisasyon ng POGOs sa Pilipinas.

Magugunita na pinatawan pa ng buwis ng Kongreso ang POGOs kayat lumalabas na naging legal ang operasyon ng online gambling sa Pilipinas.

Bukod pa dito, kailangan din mapaghandaan ang mga maaring ibigay na tulong sa mga Filipino na mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang POGOs.

Diin ni Ejercito ang dapat na agad maipasara ang mga illegal POGOs

Read more...