Kinontra ni Senator Pia Cayetano ang pagkakabilang ng tabako sa mga pangunahing produktong-agrikultural.
Inihanay sa isinusulong na Senate Bill No. 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ang tabako sa mga gulay, bigas at iba pang pangunahing pangangailangan, gayundin sa mga pagkaing-dagat.
Paliwanag ni Cayetano kontra siya sa smugging ng tobacco products, ngunit ang maging kahanay ito ng mga pangunahing pagkain ay para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap.
Dagdag pa niya hindi ito makatarungan para sa mga naghihirap na Filipino.
Ipinunto din ng senadora ang probisyon sa panukalang-batas para sa pagbuo ng “special team of prosecutors” na kabilang sa mga tutugis sa smugglers gayung maraming kaso na rin ng online child abuse ang nagaganap at kailangan din itong pahalagahan at bigyan ng pansin ng mga taga-usig.