Sigarilyo itinuring na pangunahing bilihin, Cayetano umalma

By Jan Escosio September 21, 2023 - 06:06 AM

SENATE PRIB PHOTO

Kinontra ni Senator Pia Cayetano ang pagkakabilang ng tabako sa mga pangunahing produktong-agrikultural.

Inihanay sa isinusulong na  Senate Bill No. 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ang tabako sa mga gulay, bigas at iba pang pangunahing pangangailangan, gayundin sa mga pagkaing-dagat.

Paliwanag ni Cayetano kontra siya sa smugging ng tobacco products, ngunit ang maging kahanay ito ng mga pangunahing pagkain ay para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap.

Dagdag pa niya hindi ito makatarungan para sa mga naghihirap na Filipino.

Ipinunto din ng senadora ang probisyon sa panukalang-batas para sa pagbuo ng “special team of prosecutors” na kabilang sa mga tutugis sa smugglers gayung maraming kaso na rin ng online child abuse ang nagaganap at kailangan din itong pahalagahan at bigyan ng pansin ng mga taga-usig.

 

 

TAGS: Agriculture, Pia Cayetano, rice, smuggling, tobacco, Agriculture, Pia Cayetano, rice, smuggling, tobacco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.