Senado, “on track” sa priority mesures ng administrasyong-Marcos Jr. – Villanueva
Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na “on track” ang Senado sa pagpasa ng mga prayoridad na panukala ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
Kasama si Villanueva ni Senate President Juan Miguel Zubiri at iba pang mga senador na dumali sa ikatlong Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malakanyang.
Tinalakay sa pulong ang 20 priority measures na inaasahan na maipapasa hanggang sa pagtatapos ng taon.
“Out of the 20 priority bills that should be passed by the end of this year, the Senate has already passed three measures on third reading,” ani Villanueva patukoy sa Trabaho Para Sa Bayan Act, LGU Income Classification Act at ang Philippine Salt Industry Development Act.
Ngayon linggo, lumusot na sa ikalawang pagbasa ang mga panukalang Ease of Paying Taxes Act, Internet Transactions Act, at ang New Philippine Passport Act.
“Before the Senate goes on break next week, our goal is to pass the Public-Private Partnership Act, Magna Carta of Filipino Seafarers Act, and the Anti-Agricultural Smuggling Act,” dagdag pa ni Villanueva.
Binanggit pa ng senador na may nadagdag pang prayoridad na maipasa ngayon taon, ang Excise Tax on Single-Use Plastics, pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act, at ang Philippine Maritime Zones Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.