Naninindigan ang Philippine Army 7th Infantry (Kaugnay) Division na kusang sumuko at hindi dinukot ang dalawang aktibista na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.
Sa inilabas na pahayag, ang dalawang aktibista ay sumuko sa 70th Infantry (Matatag at Matapat) Battalion, sa Bulacan noong Setyembre 12.
Unang napaulat na nawawala ang dalawa sa Orion, Bataan noong Setyembre 2.
Pagpupunto ng Philippine Army inamin kamakalawa ni Tamano na miyembro siya ng Kabataang Makabayan, na sinasabing organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Ayon pa sa PA, ipinaalam agad ang pagsuko ng dalawa sa kanilang mga magulang, pulisya, lokal na pamahalaan at National Task Force to End Local Communist Armed Conlict (NTF-ELCAC).
MOST READ
LATEST STORIES