2 aktibista sumuko, hindi inaresto – Philippine Army

By Jan Escosio September 21, 2023 - 05:27 AM

PA 7TH ID PHOTO

Naninindigan ang Philippine Army 7th Infantry (Kaugnay) Division na kusang sumuko at hindi dinukot ang dalawang aktibista  na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.

Sa inilabas na pahayag, ang dalawang aktibista ay sumuko sa 70th Infantry (Matatag at Matapat) Battalion, sa Bulacan noong Setyembre 12.

Unang napaulat na nawawala ang dalawa sa Orion, Bataan noong Setyembre 2.

Pagpupunto ng Philippine Army inamin kamakalawa ni Tamano na miyembro siya ng Kabataang Makabayan, na sinasabing organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Ayon pa sa PA, ipinaalam agad ang pagsuko ng dalawa sa kanilang mga magulang, pulisya, lokal na pamahalaan at National Task Force to End Local Communist Armed Conlict (NTF-ELCAC).

 

 

TAGS: aktibista, Army, NTF-ELCAC, aktibista, Army, NTF-ELCAC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.