CIDG may pinaka-mataas sa accomplishment rate sa PNP

By Ruel Perez June 27, 2016 - 03:27 PM

Operatives of the Criminal Investigation and Detection Group Central Visayas CIDG-7) checks on the P15 million drug haul seized in Barangay Lamintak Norte, Medellin town on Thursday morning (CDN PHOTO JUNJIE MENDOZA)
Inquirer file photo

Limampung porsyento umano ng accomplishments ng PNP kontra krimen sa nakalipas na sampung buwan bunga ng mga operasyon ng CIDG o Criminal Investigation and Detecion Group.

Ayon kay outgoing Chief PNP Ricardo Marquez, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng law enforcement operations ay nagawa ng CIDG na makapaghain ng sabay sabay na 124 search warrants sa loob lamang ng iisang araw.

Paliwanag ni Marquez ang CIDG ang maituturing na model unit at best performing unit ng PNP.

Dahil dito, ikinukunsidera ni Marquez ang pagtatalaga kay Director Victor Deona bilang hepe ng CIDG bilang isa sa pinaka mahusay na desisyon na kanyang ginawa bilang PNP Chief.

Sinegundahan naman ni DILG Sec. Mel Senen Sarmiento ang mga pahayag na ito ni Marquez sa pagsasabing nakatulong ang pagiging mahusay na lider ni Deona para maging matagumpay ang CIDG sa kampanya kontra krimen.

TAGS: CIDG, deona, Marquez, PNP, CIDG, deona, Marquez, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.