Pamilyang Filipino na nagsabing naghihirap dumami sa 13.4M

By Jan Escosio September 20, 2023 - 05:27 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Dumami pa ang ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsasabi na ikinukunsidera nila ang sarili na mahirap, base sa isinagawang 2nd Quarter survey ng OCTA Research group.

Base sa resulta ng survey, na isinagawa noong Hulyo 22 hanggang 26, 50 porsiyento ng 1,200 respondents  ang nagsabi na ikinukunsidera nila ang kanilang pamilya na mahirap.

Ito ay tumataas ng pitong porsiyento kumpara sa naitalagang 43 porsiyento noong Marso.

Ang naitala ay nangangahulugan na 13.4 milyong pamilya sa bansa ang nagsabi na sila ay mahirap, kumpara sa 11.3 milyon sa naunang survey ngayon taon.

Noong nakaraang Oktubre ang “self-rated poor” ay 41 porsiyento naman.

Pinakamataas sa nagsabing sila ay naghirap sa Mindanao sa 59 porsiyento mila sa 45 porsiyento, bagamat mas mataas nag pagtaas sa Visayas, 57 porsiyento mula sa 37 porsiyento.

Samantala, may naging bahagyang pagtaas din sa Metro Manila (40 porsiyento mula 36 porsiyento) at sa Balance Luzon naman ay naiatala ang 46 porsiyento mula sa 47 porsiyento.

Sa nasabi din survey, 15 porsiyento ng respondents o 3.9 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay nagutom.

 

TAGS: OCTA Research Group, poor, survey, OCTA Research Group, poor, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.