Amo ng minaltratong kasambahay kulong sa Senado

By Jan Escosio September 19, 2023 - 05:55 PM

Ipina-contempt at nakakulong na ngayon sa detention facility ng Senado ang babaeng amo ni Elvie Vergara, ang dating kasambahay na nabulag dahil sa pagmamaltrato.

Nag-mosyon si Sen. Jinggoy Estrada na ma-contempt si France Ruiz dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sinang-ayunan naman ito ni Sen. Ronald dela Rosa kayat ngayon ay nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms.

Una pang inihirit ni Estrada na idiretso sa Pasay City Jail si Ruiz ngunit binawi niya ito matapos silang mag-usap nina Tolentino at dela Rosa.

Samantala, humarap na si alias Dodong ang dating houseboy ng pamilya Ruiz, na sinabing nasaksihan niya ang pagmamaltrato kay Vergara. Gayundin ang dalawa pang houseboy ng mga Ruiz sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni alias Dodong na ang pagpasok sa kanyang tinutuluyang bahay noong nakaraang linggo ng isang armadong lalaki ay maaring

TAGS: abuse, contempt, kasambahay, senate, abuse, contempt, kasambahay, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.