Bilang bahagi ng paghahanda sa mga epekto ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura, seryosong ikinukunsidera ng gobyerno na dagdagan ang nakaimbak na bigas.
“Dadagdagan natin. Gagawin natin mas malaki ang buffer stock para medyo mayroon – hindi na natin dapat makita ang biglang pagtaas ng mga presyo,” sabi ni Pangulong Marcos Jr., sa mga nabigyan ng kinumpiskang smuggled rice sa Zamboanga Sibugay.
Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na gagawin ng gobyerno ang lahat upang hindi sumirit ang presyo ng bigas kasabay ng pagtama ng El Niño.
Binanggit nito na ang Indonesia, China, Thailand, Singapore, at iba pang mga bansa ay nagsimula nang mag-imbak ng kanilang bigas.
Pinaliwanag niya na dahil sa mga kaganapan kayat nagtakda siya ng price cap sa bigas.
This situation, he said, also triggers high prices of rice so he decided to order a price cap on rice.
“Ang nangyayari nag-aabang ang mga iba’t ibang bansa sa Asya sa darating na El Niño sa susunod na ilang buwan. Kaya’t nakikita na namin na pagdating ng El Niño medyo nagtagtuyot, hindi maganda masyado ang magiging ani dahil hindi umuulan nang sapat,” aniya.
Dagdag pa ng Pangulo: “Kaya’t lahat ng mga iba’t ibang bansa sa Asya ay tinitiyak na mayroon silang reserve, mayroon silang buffer stock. At kaya’t naghahabulan. Kaya’t nagtaasan ang presyo dahil lahat – ang Indonesia bumibili, ang China bumibili, tayo bumibili, Thailand bumibili, Singapore – lahat bumibili. Kaya’t sabay-sabay silang bumibili, sumasabay din ang pag-akyat ng bigas. Kaya’t kailangan natin lagyan nga ng price cap.”
.