Incoming-Cong. Ruel Pacquiao nangako na hindi tutulad sa kapatid na absenero

By Isa Avendaño-Umali June 27, 2016 - 03:01 PM

Ruel Pacquiao
Photo: Isa Umali

Hindi tutularan ni Saranggani Representative Ruel Pacquiao ang pagiging pala-absent sa Kongreso ng kanyang kapatid na si Senator-elect Manny Pacquiao.

Ayon kay Congressman-elect Pacquiao, bahagi ng kanyang obligasyon bilang mambabatas ang pagdalo sa mga sesyon.

Kaya giit ng baguhang Kongresista, papasok siya sa Kamara at makikibahagi sa mga deliberasyon sa sesyon at committee hearings.

Matatandaan na noong 15th at 16th Congress, si Manny Pacquiao ay isa sa mga top absentee o Kongresista na hindi pumapasok sa Lower House.

Nang matanong naman si Congressman Pacquiao kung bakit absent si Senator Pacquiao sa orientation sa Mataas na Kapulungan ngayong Lunes, sinabi nito na hindi niya alam kung bakit, subalit baka raw may importanteng pinuntahan o dinaluhan ang kanyang kapatid.

Sa ngayon, sinabi ng batang Pacquiao na pinag-iisapan pa niya ang mga programang ipapatupad para sa kanyang constituents sa lone district mg Saranggani.

Ire-refile din umano niya ang mga House bill ng kanyang kapatid na hindi naging batas.

Si Congressman Pacquiao ay kabilang sa 2nd batch ng mga bagitong Kongresista na dumalo sa Executive Course on Legislation ngayong araw.

TAGS: 17th congress, Kamara, Pacquiao, Saranggani, 17th congress, Kamara, Pacquiao, Saranggani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.