Kabuuang 4,112,799 COVID 19 cases na ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Kasunod ito nang maiulat ang karagdagang 136 kaso hanggang kahapon, Setyembre 18.
Wala naman napa-ulat na nasawi dahil sa sakit sa nakalipas na isang linggo.
Sa ngayon, may 2,775 active COVID 19 cases sa bansa, samantalang nadagdagan naman ng 440 ang mga gumaling para sa kabuuang bilang na 4,043,339.
Samantala, may 230 intensive care unit (ICU) beds ang okupado at 2,678 naman ang nasa non-ICU beds.
MOST READ
LATEST STORIES