Gobyerno hiniling ni Estrada na papanagutin ang responsable sa WPS “coral harvesting”
Nais ni Senator Jinggoy Estrada na gumawa ng hakbang ang gobyerno upang mapanagot ang mga responsable sa pagsira ng mga coral sa Escoda Shoak at Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Estrada nagawa na nilang mga mambabatas ang maari nilang gawin at sa kanyang palagay ang dapat ng kumilos ay ang Malakanyang.
Aniya nagpasa ng resolusyon ang mga senador na humihimok sa Department of Foreign Affairs (DFA) na idulog na sa UN General Assembly ang patuloy na pambu-bully ng China sa WPS.
Duda na si Estrada kung uubra pa ang paghahain ng diplomatic protest sa katuwiran na hindi naman ito pinapansin ng China.
Nangangamba ang senador sa mga implikasyon sa kalikasan at kabuhayan sa pagsira sa mga coral sa nabanggit na dalawang bahagi ng WPS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.