Presyo ng palay itinaas ng NFA

INQUIRER PHOTO

Inanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., ang itinakdang bagong presyo ng palay ng National Food Authority (NFA).

Ayon sa Punong Ehekutibo, ang dry palay ay bibilhin na sa presyong P23 kada kilo mula sa P19, samantalang ang wet palay naman ay P19 na mula sa dating P16.

Ibinahagi aniya sa kanya ang desisyon matapos ang pulong ng pinamumunuan niyang NFA Council.

He added that the move aimed to improve farmers’ income and ensure a sufficient supply of the staple.

“Yung wet at saka ‘yung dry, ay kailangan nating tingnan dahil nagbago na ang sitwasyon. So, mayroon na silang pagkikitaan. At bukod pa roon, nandiyan na yung price cap para maikalma natin itong nangyayari sa rice prices,” anang Pangulo.

Hindi sinang-ayunan ang P20 at P25 buying prices ng palay dahil magpapataas sa halaga ng bigas.

Inanunsiyo ng NFA na ang buffer stock ng bigas ay para na lamang sa mga mahihirap.

Pinag-aaralan din ang pagbabahagi na lamang ng bigas sa mga mahihirap sa halip na bigyan sila ng ayudang pinansiyal.

 

 

 

 

Read more...