Bagong Comelec NCR Office binuksan sa San Juan City

SAN JUAN CITY LGU PHOTO

Labis ang pasasalamat ng Commission on Elections (Comelec) sa pamahalaang-lungsod ng San Juan sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora dahil sa bagong Regional Office ng komisyon sa lungsod.

Pinangunahan ni Zamora ang pagbubukas ng bagong tanggapan ng Comelec sa Greenhills at pangunahing bisita sina Comelec Chairman George Erwin Garcia, San Juan City Rep. Bel Zamora, Comelec Comms. Rey Bulay, Nelson Celis, Ernesto Ferdinand Maceda Jr., at Comelec NCR Director Jubil Surmieda.

“Today, we celebrate another milestone as we officially welcome everyone. To Mayor Zamora and the City Government of San Juan, thank you for shepherding this office from concept to construction a reality,”  pahayag ni Surmieda.

“Sa araw na ito, kami ay nagpapasalamat sapagkat natuloy na po ang pormal na inagurasyon ng inyong tanggapan na para sa amin ay malaking karangalan. This is an honor for us of seeing major government agencies transferring to the city. Dahil nasa geographic center ito ng Metro Manila, magiging madali po para sa ating mamamayan lalo pag filing certificates of candidacy, nasa gitna na po ng Metro Manila ang inyong tanggapan,” tugon naman ni Zamora.

“Sa lahat sa Pilipinas, napakaraming local Comelec na walang tahanan. Minsan nasa ilalim ng hagdan, minsan tumutulo ang CR sa taas, minsan makeshift lamang. Talagang kaawa-awa. Kung kaya naman sobrang tuwa ng buong pamunuan ng Comelec nung malaman natin na pinagpupursigehan na ang paglipat ng regional office papunta dito sa San Juan. Ang nagpursige dyan ay ang kanilang butihing ama (former Cong. Ronny Zamora). Nandito tayo sa mismong puso ng NCR at napakamatulungin na LGU. Yung tahanan na matagal na nating ninanais sa NCR, nandito na. Napakamakabago at nandito pa sa puso ng San Juan sa Greenhills,” sabi naman ni Garcia.

Ang apat na palapag na gusali ang pinakabago at pinakamalaking pasilidad ng gobyerno sa lungsod. Matatagpuan ang tanggapan ng Comelec sa ikatlong palapag.

Nabatid na magiging tahanan na rin ito ng   Bureau of Fire Protection – San Juan City at Barangay Greenhills Hall.

May basketball court sa ika-apat na palapag, bukod sa open deck na may hardin.

 

 

Read more...